| Pista ng Itim na Nazareno | Enero | Enero 9 | Quiapo, Maynila | Upang ipagdiwang ang isang daang taong gulang na rebulto ng Itim na Nazareno |
| Pista ng Sinulog | Enero | Enero 15 o tuwing ikalawang Linggo ng Enero | Lungsod ng Cebu | |
| Pista ng Ati-atihan | Enero | Ikatlong Linggo ng Enero | Kalibo, Aklan | Ipinagdiriwang bilang parangal sa Sanggol na Hesus |
| Pista ng Dinagyang | Enero | Ikaapat na Linggo ng Enero | Iloilo | Ipinagdiriwang nito ang kapistahan ng Sanggol na Hesus at ang kasunduan sa pagitan ng mga Datu at ng mga lokal |
| Pista ng Kuyamis | Enero | Enero 6 - 11 | Misamis Oriental | Pagdiriwang ng pasasalamat at pagkilala sa mga kaugalian ng mga lumad na naninirahan sa Misamis |
| Pista ng Diyandi | Enero | Ikatlong Lunes ng Enero | Balingasag, Misamis Oriental | Ipinagdiriwang ang kultura at pamana ng mga tribu ng Higaonon ng Balingasag |
| Pista ng Pasalamat | Enero | Ikatlong Linggo ng Enero | Lungsod ng Pagadian | Ipinagdiriwang bilang parangal kay Sr. Santo Nino at bilang paggunita sa pagdating ng imahen ng santo sa Pilipinas at sa Lungsod ng Pagadian. |
| Pista ng Tsinoy | Enero | Enero 26 | Lungsod ng Legazpi | Pagdiriwang ng bagong taon ng mga Tsinoy |
| Paraw Regatta | Pebrero | Ikatlong Linggo ng Pebrero | Kipot sa pagitan ng Lungsod ng Iloilo at isla ng Guimaras | |
| Pista ng Taytay Hamaka | Pebrero | Pebrero 10 - 16 | Taytay, Rizal | Ipinapakita ang pagkamasining, pagkamalikhain at iba't ibang talento ng mga taga-Taytay |
| Pista ng International Bamboo Organ | Pebrero | Pebrero 20 - 27 | Las Piñas | Kaganapang pangkultura na nakatuon sa natatanging organo na gawa sa kawayan |
| Pista ng mga Bulaklak ng Baguio | Pebrero | Pebrero | Lungsod ng Baguio | Itinampok ang parada ng mga float na yari sa mga sariwang bulaklak |
| Pista ng Ollalion | Pebrero | Pebrero 14 | Tabuk, Kalinga | Ipinagdiriwang ang kultura ng mga Kalinga |
| Pista ng Babaylanes | Pebrero | Pebrero 19 | Lungsod ng Bago, Negros Occidental | Itinatampok ang kultura ng mga unang nanirahan sa Bago City bago dumating ang mga mananakop na Kastila |
| Pista ng Kalilangan | Pebrero | Pebrero 20 - 27 | Lungsod ng Heneral Santos, South Cotabato | |
| Pista ng Mahaguyog | Pebrero | Pebrero 27 - Marso 7 | Sto. Tomas, Batangas | Ipinagdiriwang bilang pasasalamat ng mga magsasaka kay Santo Tomas ng Aquinas para sa masaganang ani |
| Pista ng mga Pagkaing dagat | Pebrero | Pebrero | Taguilon, Lungsod ng Dapitan | Ipinagdiriwang upang buhayin muli ang interes at mapanatili ang tradisyonal na mga pagkain na ang pangunahing sangkap ay ang kagang |
| National Arts Month: Bikol Arts Festival (NAM:BAF) | Pebrero | Pebrero 1 - 28 | Lungsod ng Legazpi | Ipinapakita ang kultura at sining ng rehiyon at ang mga likhang sining at agro-industrial na produkto ng iba't ibang lalawigan at lungsod ng rehiyon |
| Pista ng Cagsawa | Pebrero | Pebrero 1 - 28 | Daraga, Albay | Bilang paggunita sa pagsabog ng Bulkang Mayon noong 1814 na nagbaon sa simbahan ng Cagsawa at daan-daang tao |
| Pista ng Patunob | Pebrero | Pebrero 9 | Binuangan, Misamis Oriental | Pagdiriwang na pangrelihiyon kung saan ay dinadagsa ng mga deboto ang dambana ng Birhen sa Lourdes upang magsindi ng kandila, magpanibagong panata, at humingi ng mga petisyon at pagpapala |